Kung ang hilig ay mga wika at akda, dito na kayo sa aming programa!

MA Filipino (Lingguwistika & Literatura)

Pangangailangan

  1. Batsilyer na Digri
  2. May kumulatibong grado na 2.5 pataas mula sa di-gradwadong digri
  3. Maipasa ang pasulat na pagsusulit
  4. Impresibong resulta ng interbyu
  5. Isumite ang mga teknikal na dokumento:
    1. Curriculum Vitae
    2. Transcript of Records
    3. Certificate of Honorable Dismissal (kung mayroon)
    4. 2 Reperal na liham mula sa mga dating propesor o 1 liham mula sa propesor at employer (para sa mga nagtatrabaho). Makukuha ito sa aming departamento.
  6. Ilagay sa mahabang envelope (Hard copy submission).

 

Ebalwasyon

  1. Pagsusulit o Exam
  2. Interbyu

Maaaring magpadala ng dokumento onlayn sa email ng Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika, filipinodepartment@s.msumain.edu.ph o evangeline.jinayon@msumain.edu.ph na may paksa na: MAFil Ling o MAFil Pan Dokumento.