College of Social Sciences and Humanities

Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika

MSU Main Campus - Marawi City > Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika

Tungkol sa Departamento

Layunin ng Departamento

  1. Makagawa ng pananaliksik ukol sa mga wikain sa Pilipinas at panitikan ng iba’t ibang tribo sa Pilipinas, higit lalo sa Mindanao.
  2. Mabigyan ng balyu ang mga akdang pampanitikan ng mga bansang Asyano at daigdig para sa kamalayang global.
  3. Magamit ang wikang Filipino sa inobasyon, teknikal na gawain at komunikasyong panteknolohiya.
  4. Makapagsulat ng mga akdang pampanitikang sumasalamin sa mga pangkat-etniko sa Pilipinas partikular sa Mindanao para sa pagpapanatili ng panrehiyonal at pambansang pagkakakilanlan.
  5. Makapagsulat ng mga aklat at makapaglatahala ng mga babasahing naglalaman ng mga diyalektong Cebuano at Meranaw tungo sa mabisang komunikasyon at ugnayang kultural.
  6. Makapagpatapos ng mga mag-aaral na may integridad at pakikipagkapwa-tao para sa pagtahak sa napiling propesyon – bilang guro ng wikang Filipino at panitikan, mananaliksik, manunulat, at tagapagsalin.

Batsilyer sa Arte sa Filipino

Ang programang Batsilyer sa Arte sa Filipino ay nakatuon sa pag-aaral ng wika na ang pangunahing tuon ay ang wikang Filipino – ang wikang pambansa ng Pilipinas.

Mga Tunguhin ng Batsilyer sa Arte sa Filipino

  1. Malinang ang kakayahin ng mga mag-aaral sa wikang Filipino na magagamit nila sa iba’t ibang konteksto;
  2. Mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa interdisiplinaryong pananaw sa pag-aaral ng Filipino;
  3. Malinang ang malikhain at kritikal na pag-iisap ng mga mag-aaral na magagamit sa kanilang propesyon at pakikipag-ugnayan sa komunidad, lokal man o internasyonal;
  4. Makapagsagawa ng mapanuring pananaliksik na makakapagunlad sa disiplinang Filipino; at
  5. Makapagbukas ng oportunidad para sa praktikal na aplikasyon ng mga kasanayan at kaalamang natamo.

Batsilyer sa Arte sa Panitikan

Ang programang Batsilyer sa Arte sa Panitikan ay isang interdisiplinaryong larang na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba’t-ibang produktong kultural.

Mga Tunguhin ng Batsilyer sa Arte sa Panitikan

  1. Magamit ang analitikal at interpretatibong mga kasanayan sa pag-aaral ng teksto;
  2. Matalakay at/o makabuo ang artistikong anyo at uri;
  3. Makapamalas ng kasanayan sa pananaliksik na nakatuon sa mga disiplina sa ilalim ng humanidades;
  4. Magamit ang angkop na mga teorya at metodolohiya sa paraang mapanuri at malikhain; at
  5. Makasuri ng papel/tungkulin ng humanistikong edukasyon sa paghubog ng tao at lipunan.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan sa Departamento.

Dr. Anida S. Mustapha
Tagapangulo
 
Asst. Prof. Rofaida S. Cairoden
Kalihim
 
Asst. Prof. Alican M. Pandapatan
Tagapayo ng SAMAFIL

 

2nd Floor, CSSH Old Building,
Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika
Mindanao State University
Marawi City, Philippines

 

filipinodepartment@msumain.edu.ph

 

Mon – Fri 8:00A.M. – 5:00P.M.

  • Irma T. Gotera, MATserman ng Departamento
  • Jumaila C. Watamama, MASekretarya ng Departamento
  • Evangeline M. Jinayon, PhDProfessor V
  • Almayrah A. Tiburon, PhDAssociate Professor V
  • Angelito G. Flores, JR., MAAssociate Professor V
  • Anida S. Mustapha, PhDAssociate Professor V
  • Amaceta S. Real, PhDProfessor V
  • Zinab B. Barataman, MAAssistant Professor IV
  • Shella Mae C. Enopia, MAAssistant Professor IV
  • Rofaida S. Cairoden, MAAssistant Professor IV
  • Asisah E. Ilupa, PhDProfessor IV
  • Abdulfatah C. Deca, MAAssociate Professor V
  • Cyndy D. Roflo, MAAssociate Professor V
  • Jamima S. AmpuanInstructor I
  • Leorina D. Laron, MAAssociate Professor V
  • Cesar G. DelfinadoInstructor III
  • Marjan M. Camama, MAAssistant Professor III
  • Julie An N. CañasInstructor I
  • Imelda M. Magno, MAAssociate Professor IV
  • Noronsalam D. Bandrang, MAAssistant Professor IV
  • Johanna Rania U. SalicInstructor I
  • Alican M. Pandapatan, MAAssistant Professor IV

Kung isa kang propesyonal sa edukasyon na naghahangad na umunlad sa larangan ng pamamahala at konsultasyon, o sa pagpaplano at pagpapaunlad ng edukasyon, ito ang pinakamainam na degree para sa iyo.

Mga Kurso sa Departamento

  • BA FilipinoBatsilyer sa Arte sa Filipino
  • BA PanitikanBatsilyer sa Arte sa Panitikan
  • MA Filipino (Lingguwistika)Master ng Sining sa Filipino medyor sa Linguwistika
  • MA Filipino (Literatura)Master ng Sining sa Filipino medyor sa Literatura

Admisyon sa Departamento

Undergraduate
Ikaw ba ay may hilig at interes sa pag-aaral ng isang wika, pagbabasa at pagsusuri ng mga akda, o pag dodokumento ng mga kultura sa komunidad? Narito ang Departamento ng Filipino at Iba Pang Wika upang mahasa at matulungan kayong paunlarin ang mga hilig at interes na ito sa inyo.
Anunsyo
Featured Post
Achievements

Posting Soon.

 

 

 

Posting Soon.

 

 

 

Posting Soon.

 

 

 

Maligayang Pagdating!

Ang Departamento ng Filipino at Iba pang Wika ng Mindanao State University-Main Campus, Marawi City ay nagagalak na makasama kayo sa aming paglalagbay tungo sa paghubog ng mga estudyanteng “World Class”.

Tara, Turo tayo!

Come & Join Us!